BAKIT AKO NAGSUSULAT
BAKIT AKO NAGSUSULAT?
Bakit nga ba ako nagsusulat? Nagsusulat ba ako dahil sa kinakailangan ang sinig ng pagsusulat sa paaralan? Nagsusulat ba ako dahil sa gusto ko lamang ng may paglilibangan at pamatay oras? O nagsusulat ba ako dahil sa gusto ko lang? Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam ang aking isasagot. Kumuha ako ng isang pirasong papel at lapis. Tinitigan ang nga ito at tinanong ang sarili. Bakit ko nga ba papagurin ang aking sarili para sa pagsusulat? Bakit ko nga ba sasayangin ang aking oras para dito kung alam ko naman na karamihan sa atin ay hindi nagbabasa dahil halos lahat ay nakatutok sa kani-kaniyang mga makabagong cellphone, laptop, at computer. Bakit ko nga ba sasayangin ang isang pirasong papel at lapis sa isang walang kabuluhang bagay? Hindi inalintana ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Nagsimula akong magsulat ng isang titik hanggang sa tuloy tuloy na lamang na gumalaw ang aking nga kamay na tila nakikipagkarera sa bawat letra na aking isinusulat sa isang pirasong papel. Isinalarawan ko ang mga bagay na lumilikot sa aking isipan, mga imahinasyon sa aking isip na hindi ko alam kung saan nanggaling. Tuloy lamang sa pagsusulat at nagpapadala kung san dalhin ng aking malikot na imahinasyon. Bigla akong napahinto at napagtanto ang kasagutan sa aking mga tanong na kanina ko pa pinag iisipan. Alam ko na kung bakit ako nagsusulat! Nagsusulat ako dahil sa gusto kong ibahagi ang malikhaing imahinasyon na mayroon ako. Nagsusulat ako dahil gusto kong isigaw ang mga bagay na nasa aking isipan na hindi ko kayang ilabas gamit ang salita.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento