Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2020
Imahe
KALIKASAN, ATIN NA LANG BA ITONG PABABAYAAN? Isang pagbati ng magandang araw sa lahat Nandito ako sa inyong harap upang ipahayag ang isang napakahalagang mensahe, mahalagang mensahe na dapat malaman ng bawat isa sapagkat ang aking sasabihin ay kinakailangang bigyang pansin. Pero bago ang lahat nais kong inyong pagmasdan ang kalikasan. Ikumpara mo sa noon at ngayon Nakikita mo ba ang napakalaking pagbabagong naganap? Unti-unti ng nasisira ang ating kalikasan At sino ang may kagagawan? Walang iba kundi tayong mga tao Mga taong walang ibang inasam kundi ang pag-unlad, mga taong mas inuna ang paglago ng bansa kaysa ating kalikasan Pagputol ng mga puno sa kagubatan upang gawing materyales sa paggawa ng bahay Pagpatag ng nga kabundukan upang tayuan ng imprastraktura Maitim na usok mula sa mga pabrika na kagagawan rin ng mga tao, at tayong mga kabataan? Nagtatapon ng basura kung saan-saan. At ang resulta, pabago-bagong klima, tag-tuyo't, tag-ulan, at pagbaha. Maaaring narinig nyo na ...

BAKIT AKO NAGSUSULAT

Imahe
BAKIT AKO NAGSUSULAT? Bakit nga ba ako nagsusulat? Nagsusulat ba ako dahil sa kinakailangan ang sinig ng pagsusulat sa paaralan? Nagsusulat ba ako dahil sa gusto ko lamang ng may paglilibangan at pamatay oras? O nagsusulat ba ako dahil sa gusto ko lang? Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam ang aking isasagot. Kumuha ako ng isang pirasong papel at lapis. Tinitigan ang nga ito at tinanong ang sarili. Bakit ko nga ba papagurin ang aking sarili para sa pagsusulat? Bakit ko nga ba sasayangin ang aking oras para dito kung alam ko naman na karamihan sa atin ay hindi nagbabasa dahil halos lahat ay nakatutok sa kani-kaniyang mga makabagong cellphone, laptop, at computer. Bakit ko nga ba sasayangin ang isang pirasong papel at lapis sa isang walang kabuluhang bagay? Hindi inalintana ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Nagsimula akong magsulat ng isang titik hanggang sa tuloy tuloy na lamang na gumalaw ang aking nga kamay na tila nakikipagkarera sa bawat letra na aking isi...